‘QC Underparadisso’, pormal nang binuksan sa mga QCitizen

‘QC Underparadisso’, pormal nang binuksan sa mga QCitizen

PORMAL nang binuksan ng Quezon City LGU para sa mga QCitizen ang Underparadisso sa underpass na nagkokonekta sa Quezon City Hall at Quezon Memorial Circle.

Tampok ang iba’t ibang endangered na hayop at halaman sa Pilipinas.

Ang ‘QC Underparadisso’ ay paraan ng lokal na pamahalaan, upang ipaalala at ipaunawa ang kahalagahan ng kagubatan at kalikasan at kung bakit ito kailangan pangalagaan.

Mismong sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, District 1 Rep. Arjo Atayde, Sentro Artista Art Hub founders Mr. Jay Ruiz at Ms. Marj Ruiz, City Administrator Mike Alimurung, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, at mga department head ng munisipal na pamahalaan ng lungsod sa Unveiling Ceremony ng ‘QC Underparadisso’.

Isang buwang nagsama-samang nagpinta ang mga local artist at environmental advocates, sa pangunguna ng Sentro Artista Art Hub, internationally acclaimed muralist na si A.G.  Saño, Art Atak team, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter