QCESD nagpaalala sa mga QCitizen na huwag baliwalain ang sakit na dengue

QCESD nagpaalala sa mga QCitizen na huwag baliwalain ang sakit na dengue

NAGPAALALA ang Quezon City Epidemiology and Suveillance Division (QCESD), sa mga QCitizen na huwag balewalain ang mga sintomas ng dengue ngayong panahon ng tag-ulan.

Paalala nito, dapat alamin ang mga dapat gawin kung ikaw o ang iyong kasama sa bahay ay may dengue fever o nakararanas ng sintomas ng dengue.

Ayon sa QCESD, walang direktang gamot sa dengue subalit kailangang maagapan ang gamutan ng mga sintomas nito para sa mabilis na paggaling. Pagpapakonsulta ng maaga sa doktor o pagamutan ang pinakamahusay na paraan kung makaranas ng sintomas ng dengue.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble