QCPD, nakapagtala ng mahigit 100K katao na nagtungo sa mga pangunahing sementeryo sa Quezon City

QCPD, nakapagtala ng mahigit 100K katao na nagtungo sa mga pangunahing sementeryo sa Quezon City

Kasunod ng 6:00 PM update ng Quezon City Police District (QCPD), umabot sa 114, 892 katao ang namonitor ng Pulisya na nagtungo sa mga pangunahing sementeryo sa Lungsod ng Quezon sa unang araw ng Undas 2024.

Batay sa rekord ng Police Station 14, ang Himlayang Pilipino Cemetery ay nakapagtala ng 14,919 na mga bumisita sa puntod ng kani kanilang mahal sa buhay.

Ang Police Station 13 naman ay mayroong 750 na recorded crowd sa Recuerdo Cemetery.

Habang ang Police Station 4 na nakasasakop sa Holy Cross Cemetery / Manila Memorial Park ay mayroong 33,832 katao, BagBag Public Cemetery na may 51,550 at Nova Public Cemetery na umabot sa 13,841.

Maaring madagdagan pa ito habang hindi pa natatapos ang unang araw ng pagbisita ng tao sa mga sementeryo kasabay pa rin ng paalala ng Pulis sa publiko na huwag mag atubiling magsumbong sa kanilang tanggapan kaugnay sa mga kahina hinalang kilos ng mga tao sa paligid.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter