QCPD Patrolling Cops, isinauli ang napulot na plastick na may lamang pera

QCPD Patrolling Cops, isinauli ang napulot na plastick na may lamang pera

ISINAULI ng Quezon City Police District Patrolling Cops ang napulot na isang asul na plastic bag na naglalaman ng pera na nagkakahalaga ng P30,000 at identification card (ID) ng isang errand boy na dating nangongolekta ng pera para sa negosyong gulay ng kaniyang amo.

Batay sa ulat ng mga tauhan ng District Tactical Motorized Unit (DTMU) ay nasa routine patrol duty sa kahabaan ng Edsa/Balintawak nang mapulot ang naturang ari-arian.

Samantala, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang kaniyang amo sa mga pulis ng QC para sa kanilang katapatan at pagsisikap na pagsasauli ng kaniyang mahahalagang ari-arian.

Binati naman ni ni PLtCol. Von Alejandrino sina PEMs. Rodolfo Calma, Jr., PCMs. Jesus Chito Manaois, PMSg. Ladislao Constantino at PMSg. Marcial sa kabutihan at katapatang ipinamalas nila sa publiko.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Redrico A. Maranan sana ay magpatuloy ang ganitong magagandang gawain ng mga Philippine National Police PNP-QCPD upang makatulong sa mga kababayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble