HALOS 66 milyon na ang qualified voters para sa 2025 midterm elections ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa pahayag ni COMELEC Chairman George Garcia, 65.94 milyon na ang kabuuang bilang ng registered voters.
Iyon nga lang, sinabi ng poll body na mababa pa ito kumpara sa kanilang target na 70 milyon.
CALABARZON ang may pinakamataas na bilang ng registrants, sinundan ito ng National Capital Region at pumapangatlo naman ang Central Luzon.