Quarantine facilities, sasapat pa para sa mga uuwing OFWs

TINIYAK ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na sasapat pa ang mga quarantine facilities ng bansa upang tatanggap ng mga nagsisiuwiang overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic at pagkakadiskubre ng bagong variant ng virus.

Paliwanag ni OWWA Administrator Han Leo Cacdac, tanging mga OFW lamang na mula sa mga 28 bansang may travel restrictions dahil sa bagong COVID-19 variant ang kinakailangang sumailalim sa mandatory 14-day quarantine kahit mayroon na itong negative RT—PCR test result.

Habang ang mga hindi kabilang sa listahan ay maaari nang makalabas ng quarantine oras na matanggap ang negative result ng kanilang swab test.

Tinatayang nasa 1,500 hanggang 2,500 na OFWs ang umuuwi sa bansa kada araw kabilang na ang mga nagbabakasyon lamang sa Pilipinas.

SMNI NEWS