Quarantine requirement para sa inbound travellers sa Hong Kong, babaguhin

Quarantine requirement para sa inbound travellers sa Hong Kong, babaguhin

NAKATAKDANG baguhin ng gobyerno ng Hong Kong ang hotel quarantine para sa mga dayuhang manlalakbay na papasok sa siyudad.

Sa bagong panuntunan na  ‘0+7’, magkakaroon na lamang ng medical surveillance ang mga bagong dating na pasahero sa kanilang mga bahay sa loob ng 7 araw sa halip na hotel quarantine.

Aalisin na rin ang requirements sa mga pasahero na kailangan magpakita ng negatibong COVID-19 test bago pumasok ng siyudad at gagawin na lamang ang test sa mismong pagbaba nito ng eroplano.

Matatandaan na sa press briefing noong Martes, inamin ni Chief Executive John Lee Ka Chiu na aktibong pinag-aaralan ng administrasyon ang sinabing patakaran upang muling mabuksan at sumigla ang ekonomiya ng lungsod.

Follow SMNI NEWS in Twitter