MABIBIGYAN ng pagkakataon ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ng lungsod ng Quezon na mapadali at maintindihan ang pagkakaroon ng permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Isa si Edwin Aldrin Ciriaco ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic lockdown sa bansa.
Pero imbes mawalan ng pag-asa, pinili ni Edwin na gumawa ng paraan upang may pagkakitaan.
Dito nagsimula ang pagbebenta ni Edwin ng chicken pastil.
“Nung pandemic pareho kami natanggal…siya na ang gumagawa” ani Edwin Aldrin Ciriaco, Entrepreneur AC Chicken Pastil.
Nagsimula muna bilang online business hanggang sa nagbebenta ito sa mga food bazaar gaya ng unorganized ng Quezon City Hall.
Kung ang karaniwang chicken pastil ay inilalagay sa dahon ng saging, naisip ni Edwin na ilagay ito sa bote gaya ng packaging ng ibang mga ready to go na ulam.
Pero, bago ito mabenta ng maramihan ay kailangan munang makakuha ng license to operate mula sa FDA.
Kaya naman isang magandang pagkakataon ang inilunsad ng Quezon City Government, katuwang ang FDA para sa MSMEs gaya ni Edwin.
Inilunsad nitong Biyernes ang programang “Bigyang-halaga Bangon Micro Small and Medium Enterprises” (BBMSMEs).
Layunin ng programa na tulungan ang mga katulad ni Edwin na makabangon ang mga maliliit na negosyong nagsisimula at pinadapa ng COVID-19 pandemic.
“This program is called….legitimate business,” ayon kay Dr. Samuel Zacate, Director General, FDA
“Kaya nagkaroon kami ng pagpupulong…regulatory requirements. Kaya naman malaking pasasalamat ni Edwin sa nasabing programa,” saad ni Mayor Joy Belmonte, Quezon City.
“Malaking bagay….FDA approved,” ani Edwin.
Ayon kay FDA chief Dr. Zacate na sa darating na Mayo magsisimula ang training na gagawin ng ahensiya para sa napiling MSMEs ng Quezon City.
Dagdag ni Dr. Zacate na palalawakin ng FDA ang nasabing programa sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa buong bansa.