Quezon City LGU, planong gumamit ng AI; Mayor Belmonte, walang nakikitang problema

Quezon City LGU, planong gumamit ng AI; Mayor Belmonte, walang nakikitang problema

ISANG programa ang inorganisa ng Quezon City government na tinawag na “Future of Work Conference 2023”.

Layon nitong itampok ang mga bagong inisyatibo sa workplace environment ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ito ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy, Israeli Ambassador Ilan Fluss at iba pang mga opisyal ng pamahalaang lungsod.

Ang nasabing programa ay nakasentro sa iba’t ibang best practices ng lungsod.

Kabilang dito ang transition sa digitalization, automation, artificial intelligence (AI), cyber security, pati na ang hybrid at flexible work arrangements, retooling at retrofitting sa mga workplace nang makasabay sa pagbabago ng teknolohiya.

Sinabi ni Belmonte, wala siyang nakikitang problema sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya para sa pang araw-araw na buhay katulad na lamang ng AI.

Aniya, napapadali ng AI ang komunikasyon, pagtatrabaho, pag-aaral na malaking bagay para sa pag-usbong ng isang bansa.

Kaya naman, bukas ang Quezon City government na ma-adapt ang mga technological advancement kasama na ang potensiyal ng AI sa mga negosyo sa lungsod.

“Kasi napakaraming bago ngayon sa ating kapaligiran at sa ating lipunan at kailangan natin paghandaan ang business sector para sa mga ito,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte, Quezon City.

“So, we would like to really enlighten the business sector ano ba talaga itong AI, dangerous ba talaga ito or this is something to concern about or this is something that can be considered exciting opportunity towards progress,” ani Mayor Belmonte.

Punto pa ni Belmonte, nais niyang manguna ang lungsod pagdating sa mga inobasyon sa tulong ng AI.

Ipinagmalaki rin ng alkalde ang halos 100 porsiyento ng automated ang mga proseso at transaksiyon sa pamahalaang lungsod.

“Ang dami pang maaring gawin ang AI para mas maging efficient ang city government. We would like our government to be at the forefront of innovation kaya kami we’re open to all different kinds of innovation. Hindi kami natatakot, kasi para sa amin na kapag naghanda ka ay paghahandaan mo lang naman ‘yung empleyado at kung napaghandaan lang lahat, ang uunlad diyan o ang panalo ay ang lungsod ng Quezon. But, we cannot resist change, change is inevitable, change will happen let us embrace change,” dagdag ni Belmonte.

Bukod diyan, tatalakayin din ang kapakanan ng mga manggagawa sa trabaho gaya ng inclusivity at gender equality pati na ang mga sustainability at resiliency initiatives para maging disaster proof din ang mga workplace.

Target ng QC LGU na maitaguyod ang isang future ready work environment na hindi lang makakabenepisyo sa mga negosyo kundi pati na rin sa mga manggagawa sa lungsod.

Magandang pagkakataon ito para matulungan ang mga negosyo na makasunod sa local at national regulations pagdating sa ligtas at inclusive workspaces.

“Quezon City is one the or foremost cities in the country that push innovation and technology at the forefronting its develop its progressive society.”

“Our ability to innovate will solidify our competitiveness in global life economy,” ayon kay Sec. Ivan John Uy, DICT.

“This is part ng trust ng ating administrasyon para magkaroon ng ease of doing business sa buong bansa. Now, we are very happy that Quezon City is doing this, Quezon City the largest City in the country in terms of population and one of most dynamic and progressive cities. So, certainly a healthier business environment in Quezon City will have ripple effect across the entire country,” ayon kay Lord Villanueva, Undersecretary for Operations, DILG.

Follow SMNI NEWS on Twitter