Quezon City, magbibigay ng job opportunities sa PWDs

Quezon City, magbibigay ng job opportunities sa PWDs

MAGBIBIGAY ng job opportunities ang Quezon City para sa 300 persons with disabilities (PWDs).

Sa pamamagitan ng kanilang “Kasama ka sa Kyusi: Ang taong may kapansanan ay may karapatan at kakayahan” initiative, maaari nang kunin para sa iba’t ibang departamento at opisina sa lungsod ang mga PWD.

Tugon na ito ng Quezon City sa unemployment rate ng mga PWD sa kanilang lungsod.

Batay sa datos nitong Hulyo 2023 ay 7,620 sa 54,000 na registered PWDs ang walang trabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble