NAGDEKLARA ang Quezon City ng dengue outbreak matapos makapagtala ng 1,769 kaso mula Enero 1 hanggang Pebrero 14.
Ito ay 200% na pagtaas kumpara noong 2024.
Aabot na rin sa 10 katao ang nasawi, kabilang ang 8 menor de edad.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang deklarasyon ng dengue outbreak ay isang hakbang upang matiyak na ma-control ang sitwasyon.
Gumawa na ng hakbang ang pamahalaang panlungsod upang sugpuin ang outbreak, matiyak ang agarang serbisyo, at maprotektahan ang mga residente, lalo na ang mga bata.
Nagbukas na rin ang lungsod ng fever express lanes at libreng dengue test kits.
Nagkakaroon din sila ng fogging, larviciding, at clean-up drives upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.