NILAGDAAN na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansa para sa programang libreng sakay sa mga bus sa lungsod.
Ayon kay Councilor Alfred Vargas, nagpapasalamat siya kay Mayor Belmonte at sa kaniyang mga ka-trabaho sa City Council sa pag-apruba sa Ordinance No. Sp-3184, s-2023 kung saan sinisiguro ng ordinansa ang sustainability ng “Q City Bus Program”.
Dahil sa ordinansa, mandato ng Quezon City Traffic and Transportation Management Department na ipatupad ang programa na siya namang pangangalagaan ng City Council.
Ayon kay Vargas, sa ngayon ay nakapagbigay na ang Q City Bus Program ng 12-M libreng sakay sa mga commuter sa walo nitong ruta.
Ang programa ay sinimulan ni Mayor Belmonte sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at ang pagkakatatag nito ay pinagkaisahan ng mga ehekutibo ng lungsod at departamento ng lehislatibo.