Quezon City, nagpatupad ng warrantless arrest laban sa quarantine violators

Quezon City, nagpatupad ng warrantless arrest laban sa quarantine violators

BONUS OFFER

NAGLABAS ng panuntunan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City upang maagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar sa pamamagitan ng pagpatutupad ng warrantless arrest.

 

Sa patakaran na ipinalabas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, binigyan ng otoridad ang mga pulis, barangay officials, tanod, mga nasa law and order cluster ng city hall at maging ang mga pribadong mamamayan na magsagawa ng warrantless arrest.

 

Gagana ang warrantless arrest sa mga lalabag sa limited mass gathering at social distancing na may P5, 000 multa at pagkakabilanggo na hindi lalagpas sa anim na buwan.

 

Tatamaan din nito ang hindi magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar na may karampatang multa mula sa una hanggang sa ikatlong paglabag.

 

 

Hiwalay rin ang ordinansa sa paglabag ng curfew maging sa pagbenta ng nakalalasing na inumin. Kapag nahuli ay dadalhin sa ang mga naaresto sa pinakamalapit na presento.

 

“Pagka ang isang tao ay harapan na lumalabag ng batas partikular na itong pinapatupad nating protocols ng community quarantine, ay pupuwedeng arestuhin ng walang warrant of arrest,” pahayag ni Remegio Gregorio ng Department of Public Order and Safety ng Quezon City.

 

Para naman sa law expert na si Atty. Mark Tolentino, legal ang warrantless arrest kahit napakasimple lamang ng violation na nagawa.

 

“So in this case for example may violation ng quarantine yung mga social distancing na hindi gumamit ng mask, puwedeng arestuhin yan basta may batas at yung batas na yan criminal in nature,” ayon pa kay Tolentino.

 

Pinayuhan naman ni Atty. Tolentino ang mga maaaresto na sumunod na lamang at huwag nang pumalag at sundin ang mga otoridad.

 

“Assuming na hindi siya sumunod, puwedeng maging liable yung naaresto ng resistance to a public officer ‘pag public officer ang nag-aresto. So, puwede siyang maging liable aside sa city ordinance puwede siyang maging liable under the revised penal code yung resistance of a public officer,”paliwanag ni Tolentino.

 

SMNI NEWS

2 thoughts on “Quezon City, nagpatupad ng warrantless arrest laban sa quarantine violators

  1. Ako po nakakuha ng 1st tranche dto comm high ngayon po nag-online n aq Kaya Lang pinalilipat sa gcash pero my problema ako kc ung cel no.sa sac form ay nawala Kaya Kung pwede po dto nyo nlang po ako contakin #09664662850 Ito nman po UNG no. sa sac form 09394565839

  2. Sa ngayon po nag aantay po ako Kung kailan makuha Ang 2nd . Higit Kong kailangan po sapagkat Meron po akong anak n 2 special daughters n my special needs po. Kaya ano many tulong galing sa goberno ntin ay malaking tulong po in sa anong pamilya salamat po.

Leave a Reply

Your email address will not be published.