Quezon city namahagi ng gamit para sa Fish Farm sa Payatas. Ang lungsod at Department of Agriculture (DA) ng mga panimulang gamit sa pagtatayo ng Fish Farm sa animnapung benepisyaryo sa Baranggay Payatas.
Quezon city namahagi ng gamit sa mga residente na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa African Swine Fever.
Ang mga benepisyaryo ng Aquaculture Support System ay binigyan ng Pump, 600 Fingerlings ng tilapia at hito, Fabricated Filtration System, at Feeds na sapat sa growing period ng mga isda.
Dumalo sa turnover ceremony sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, DA Usec. Cherryl Caballero, BFAR-NCR OIC Dr. Hannibal Chavez, Councilor Mikey Belmonte, Councilor Estrella Valmocina, Bgy. Payatas Captain Manny Guarin, at Sustainable Development Affairs Unit head Emmanuel Nolasco.
Ayon kay City Mayor Joy Belmonte, bukod sa pagbibigay ng alternatibong kabuhayan sa mga residente, ang aquaculture ay bahagi rin ng mga programa ng lungsod tungo sa food security.
Bukod rito, nauna nang nagbigay ng 50 E-trikes ang City government upang magamit sa kanilang kabuhayan.
handa rin ang lungsod na umalalay at magbigay ng karagdagang puhunan sa tulong ng Quezon City Small business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).