Quezon City, pinaiigting ang ‘No registration, no vaccination’ policy

MULING nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa kanilang mga medical frontliners sa policy na kinakailangan munang magparehistro bago mabakunahan kontra COVID-19.

Hindi pinahihintulutan ng LGU ng Quezon City ang walk-ins sa mga vaccination centers nito.

Kinakailangan munang magparehistro ng mga A1 priority list member o ang mga medical frontliners bago pa man maturukan ng COVID-19 vaccine.

Magrehistro lang sa EZConsult kung ikaw ay kasama sa A1 priority group para sa COVID-19 vaccine.

Ang mga nakarehistro at may mga kumpirmadong schedule lang ang maaring i-accommodate sa loob ng vaccination center.

Ang kasama sa A1 priority list na maaring tumanggap ng bakuna kontra COVID-19 ay ang mga sumusunod:

  • Medical doctors
  • Nurses
  • Midwives
  • Dentists
  • Medical technologists
  • Physical, occupational, and respiratory therapists
  • Radiology technicians
  • Workers in nursing homes, rehabilitation centers, correctional facilities, orphanages, and the like including maintenance, administrative and security personnel
  • Home care workers such as caregivers
  • Workers in stand-alone clinics and diagnostic laboratories

Habang hinihintay ang mga karagdagang supply ng bakuna, ang  vaccination schedule sa Quezon City ay hanggang ngayong araw lamang, Marso 26.

Iaanunsyo naman ang susunod na schedule sa pagdating ng mga karagdagang doses ng COVID-19 vaccine dito sa lungsod.

Umabot na sa 14,819 ang nabakunahang healthcare workers dito sa lungsod ng Quezon City.

(BASAHIN: “Workplaces,” ang karaniwang pinanggalingan ng COVID-19 cases sa Quezon City)

SMNI NEWS