QC LGU, target na mabakunahan ang 150K katao ngayong National Vaccination Day

QC LGU, target na mabakunahan ang 150K katao ngayong National Vaccination Day

UMARANGKADA na ngayong araw ang 3-day National Vaccination Day sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Target ng lungsod na mabakunahan ang halos 150,000 indibidwal simula ngayong araw hanggang Disyembre 1.

Uunahin ng pamahalaang lungsod ang lahat ng hindi pa nababakunahang menor de edad na 12 hanggang 17 taong gulang at matatanda.

Kasabay din nito ang pagbibigay ng booster dose na kabilang sa A1 o iyong mga healthcare worker, A2 o mga senior citizen at A3 o mga immunocompromised individual.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nakipag-ugnayan ang lokal na gobyerno mga establisimyento gaya ng mga malls para gawing vaccination site at para sa karagdagang mga healthcare worker.

Ito ay upang ma-maximize ang tatlong araw na vaccination na inilaan ng national government.

Bakunang AstraZeneca naman ang gagamitin brand ng COVID-19 vaccine na kanilang binili noong 2020.

Mula sa biniling 1.1 milyong dosis ng AstraZeneca, humigit-kumulang 229,000 na dosis ang natanggap ng lungsod by batch.

Kabilang naman sa mga vaccination site na gagamitin ay ang SM North EDSA Skydome, Eastwood City, Robinsons Magnolia, Waltermart North Edsa, SM Fairview, SM Novaliches, Fairview Terraces, Fisher Mall, Crossroad Parkway Mall, Smart Araneta Coliseum, Elements at Centris.

Naglaan din ang fast-food chain na McDonald’s ng ilang sangay bilang mga site para sa pagbabakuna sa bata.

Samantala, ang QC Police District at QC Bureau of Fire Protection ay nagpadala rin ng karagdagang mga medikal na manggagawa na itatalaga sa iba’t ibang lugar.

Maliban dito, ang QC government ay nakipag-ugnayan sa mga medical team ng Tzu Chi Foundation, Healthway, National Grid Corporation of the Philippines.

Samantala, bukod sa pagbibigay ng mga unang dosis at mga booster shot, ay tuloy pa rin ang pagbibigay ng pangalawang dosis sa mga bata at matatanda nakaiskedyul sa ibang mga lugar ng pagbabakuna.

Nandito ako ngayon sa Smart Araneta Coliseum kung saan handa na ang mga medical team para sa gagawing pagbabakuna at makikita niyo sa aking likuran maayos na nakapila ang mga bata, matatanda at pati na rin ang mga health na worker tatanggap ng booster shot.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.