ISASAILALIM sa master redevelopment ang Quezon Memorial Circle (QMC) upang makapagbigay ng mas malawak na mga daanan sa bike lane, jogging path, at exercise area.
Ayon sa Quezon City Government, ang iba pang mahahalagang tampok ng plano sa muling pagpapaunlad ng QMC ay kinabibilangan ng skate trail at parke, basketball, volleyball, at tennis court, stepped lawn, at isang cultural amphitheater kung saan maipapakita ng mga artista, entertainer, at musikero ang kanilang mga talento.
Samantala, ang master redevelopment plan ay naglalaan ng humigit-kumulang 70% ng QMC sa mga pangunahing luntiang lugar tulad ng picnic grounds at children’s playgrounds, themed gardens, at mga lugar para sa urban farming. Nagtatampok din ang plano ng multi-purpose field para sa football, softball, baseball, frisbee, at iba pang aktibidad.
Gayunpaman, upang mapanatili ang pag alala kay Pangulong Manuel L. Quezon, plano ng pamahalaan ng lungsod ng QC na muling itayo ang QMC ng mas maganda at maayos na pasilidad.