Quick response fund, naubos na—PBBM

Quick response fund, naubos na—PBBM

NAUBOS na ang quick response fund ng bansa ayon kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil sa sunud-sunod na pagtama ng mga bagyo.

Hindi na idinetalye pa ng pangulo kung magkano na lang ang natira sa pondo subalit sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), ang quick response fund ay nasa P7.925B.

Mula rito ay nasa P1B ang nakalaan para sa Department of Agriculture-Office of the Secretary.

Sa panig ng Department of Budget and Management (DBM), bagamat limitado na lang ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) ay hahanap sila ng pagkukunan ng pera para suportahan ang relief at rehabilitation ng mga ‘vulnerable area’.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble