SORPRESANG nagsagawa ng Run After Contribution Evaders (RACE) operation ang Social Security System (SSS) sa lungsod ng Parañaque.
Ang RACE activity ay pinangunahan ng Bicutan Sun Valley Branch sa 6 na delingkwenteng employer na inisyuhan ng written order.
Ito ay ang mga employer na non-registered at non-remittances sa SSS para sa mga benepisyong dapat ay para sa kanilang mga empleyado.
Binigyan ng 15 araw ng SSS ang mga establisyimento para tuparin ang sinasaad sa notice.