NANUMPA na sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang kauna-unahang presidente at chief executive officer ng Maharlika Investment Fund (MIF) si Rafael Consing Jr.
Napag-usapan na rin nila ni Pangulong Marcos ang plano para sa investment fund sa kaniyang unang 100 araw sa posisyon.
May tatlong taong term si Consing bilang Presidente at CEO ng Maharlika.
Nagsilbi nang executive director ng Office of the Presidential Adviser for Investment and Economic Affairs si Consing.