Rafael Nadal, lalahok sa Dubai sa kauna-unahang pagkakataon mula 2008

Rafael Nadal, lalahok sa Dubai sa kauna-unahang pagkakataon mula 2008

MAKIKIPAGKOMPETENSYA sa Dubai sa darating na Pebrero 27 hanggang Marso 5 ang world number 2 na si Rafael Nadal.

Ito ang kauna-unahang pakikipaglaban ni Nadal sa emirata ng Dubai simula pa noong 2008.

Unang naglaro si Rafael Nadal sa Dubai noong 2004 nang makaabot ito sa quarterfinal at 2 taon matapos nito ay nakuha niya ang kauna-unahan niyang Dubai Title matapos matalo si Roger Federer sa finals.

Taong 2007 at 2008 ay back-to-back quarterfinals ang dinaluhan ni Nadal sa Dubai pero ang Dubai event ay kasabay na ginaganap ng Acapulco event.

Matapos manalo ng Acapulco Title noong 2020 at 2022, nagdesisyon si Nadal na sa Dubai naman maglaro ngayong tao.

Samantala, ang tennis star ay kasalukuyang nasa Melbourne para sa preparasyon nito sa kanyang title defense sa 2023 Australian Open.

Follow SMNI NEWS in Twitter