PURING-puri ni Rafael Nadal ang matagal na niyang karibal na si Novak Djokovic bilang pinakamahusay aniya na manlalaro sa kasaysayan ng sport.
Si Djokovic ay mayroong 24 na titulo ng grand slam habang may 22 lamang si Nadal nang makuha nito ang French Open noong nakaraang taon.
Sa kabila ng mga tagumpay ni Djokovic, nahihirapan pa rin ang world number one mula sa Serbia na isalin ang kaniyang on-court triumphs sa off-court popularity.
Samantala, si Nadal, 37, ay nakikipaglaban sa injury at halos mabigo sa buong taon ng 2023 at sa paghina ng kaniyang karera, pinuri ni Nadal ang kababayan at tagapagmana na si Carlos Alcaraz na isa nang two-time major winner sa edad na 20.
Ayon kay Nadal, si Carlos ay may incredible level sa tennis, isang super complete player sa lahat ng estado at wala rin siyang nakikitang kahinaan tulad ng mayroon siya ngayon.
Nasa kay Carlos na aniya ang lahat ng karakter para magkaroon ng isang incredible career.