Raffle ng mga party-list group para sa balota, natapos na

Raffle ng mga party-list group para sa balota, natapos na

SA unang pagkakataon, kumpleto ang buong miyembro ng COMELEC en banc sa electronic raffle ng party-list group na ilalagay sa balota para sa 2025 national and local elections.

Pinangunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang pag-raffle kasama ang mga commissioners na si Rey Dulay, Nelson Celis, Ernesto Maceda Jr., Aimee Ferolino, at Socorro Inting.

Simula noong 2013 elections, idinadaan na sa raffle ang paraan ng paglalagay ng mga party groups sa balota at hindi na alphabetical order.

Marami umano kasi mga party-list group ang sinasadyang gawin ang pangalan ng kanilang organisasyon na nagsisimula sa letter A para mauna sa balota, bagay na nakakalito sa komisyon.

Nasa 124 mula sa 156 party-list ang dumalo sa naturang raffle.

Buti na lang at walang sanction sa mga hindi sumipot ng raffle.

Nakuha ng 4P’s Party-list ang unang spot.

Number 2 ang PPP (Pwersa ng Pilipinong Pandagat).

Nasa pang-limang puwesto naman ang Duterte Youth.

Ang Epanaw Sambayanan Party-list nasa pang-18 spot.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble