WAGI ang Rain or Shine Elastopainters kontra Blackwater Bossing sa iskor na 122-106 sa nagpapatuloy na 49th season ng PBA Commissioner’s Cup.
Si Adrian Nocum ang best player of the game matapos nag-ambag ng 22 points, 5 rebounds, at 3 steals.
Northport Batang Pier naman ang panalo sa naging dikit na laban kontra Brgy. Ginebra San Miguel sa iskor na 119-116.
Si Joshua Munzon naman ang best player dito matapos nag-ambag ng 27 points, at 6 assists.
Sa Enero 10 sa Ninoy Aquino Stadium, Terrafirma Dyip at Magnolia Chicken Timplados Hotshots ang maglalaro, alas singko ng hapon.
Susundan ito ng NLEX Road Warriors at Meralco Bolts, 7:30 PM.