Rankings ni Alex Eala sa tennis, umangat

Rankings ni Alex Eala sa tennis, umangat

UMAANGAT ang ranking ng Pinay tennis player na si Alex Eala sa kasalukuyan.

Mula sa Rank No. 266 noong Mayo ngayong taon, nasa Rank No. 228 na si Eala.

Itinuturong dahilan nito ay ang magagandang performance ng tennis player sa huling dalawang International Tennis Federation (ITF) events.

Kabilang na rin dito ang kaniyang kauna-unahang pro-title ngayong taon.

Samantala, noong Oktubre 2022 ay nasa Rank No. 214 si Eala subalit bumaba lang sa rankings dahil sa resulta ng ilang tournaments.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter