MAKUKULONG ng hanggang 2 taon ang rapper-singer na si Ravi ng South Korean boy group na VIXX.
Kasunod ito sa kaniyang hindi maayos na pagsunod sa mandatory military service sa kanilang bansa.
October 2022 nang mag-enlist si Ravi, subalit bilang social service worker dahil umano’y mayroon siyang epilepsy.
Napag-alaman sa imbestigasyon na walang sakit si Ravi at ipinaliwanag na rin ng rapper-singer na ginawa niya iyon dahil siya lang ang
nagbibigay income sa kaniyang agency na Jellyfish Entertainment noong COVID pandemic.
Sa ngayon ay umalis na rin bilang miyembro ng VIXX si Ravi dahil sa isyu.
Sikat ang VIXX sa mga kantang tulad ng “Error”, “Shangri-La”, “Fantasy”, “Chained Up”, “Voodoo Doll”, “G.R.8.U” at “Hyde”.