Rappler CEO Maria Ressa, inabswelto ng CTA sa 4 na bilang ng kasong tax evasion

Rappler CEO Maria Ressa, inabswelto ng CTA sa 4 na bilang ng kasong tax evasion

INABSWELTO ng Court of Tax Appeals (CTA) si Rappler News Chief Executive Officer (CEO) Maria Ressa at Rappler Holdings Corp. sa apat na bilang ng kasong tax evasion na inihain noong taong 2018.

Ngayong Miyerkules nang ibaba ng CTA First Division ang hatol sa Nobel Peace Prize Winner.

Naging emosyonal naman si Ressa sa naging desisyon ng CTA.

Sinabi ni Ressa na patunay ito sa lahat lalo na sa mga trolls na hindi tax evaders ang Rappler.

Follow SMNI NEWS in Twitter