PINAKAKASUHAN ang kontrobersyal na news organization na Rappler dahil sa ‘fugitive’ remarks nito laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ng The Kingdom of Jesus Christ.
Hinugot ng naturang organisasyon ang katagang ‘fugitive’ matapos mapasali sa wanted list ng FBI si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy kahit kaso at bintang lang ang ibinabato rito.
Ayon sa ilang legal experts, mali na gamitin ang katagang ‘fugitive.’
Pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, isang legal expert, hindi pwedeng basta gamitin ang technical term na ‘fugitive’ sa isang taong inakusahan ngunit hindi naman nagtatago.
‘Well, legally speaking a fugitive is one person who is accused of a crime and who is concealing himself and hiding from the law. Sa madaling salita po nagtatago. Either siya ay may kaso, na siya ay hindi makita, hindi malaman kung nasaan siya naroroon o siya ay tumakas sa bilangguan at siya ay nagtatago. ‘Yan po ay isang technical term na hindi po pwedeng basta gamitin kundi it only applies to narrow set of individuals na sumasailalim po sa ating depenisyon na ibinigay,’ ayon kay Atty. Topacio.
Para kay Atty. Panelo, magiging basehan ito para masampahan ng kaso ang ginawa ng Rappler.
‘Of course, it is very malicious. You use only fugitive in reference to a person accused and convicted of a crime, not to any person. Kailangan talagang dinemanda mo ‘yan at ‘yan ay nahatulan ng hukuman by final judgement,’ ayon kay Panelo.
Mababatid ng taumbayan na hindi nagtatago sa batas at palaging nagpapakita ang butihing Pastor sa pamamagitan ng kanyang live programs sa SMNI.
‘Eh kung ako si Pastor Quiboloy i-demanda nyo, masyadong damaging yun sa reputasyon niya. Defamatory yan, very defamatory,’ dagdag ni Panelo.
Dagdag pa ni Panelo, pasok din ang kasong libel dahil sa paninirang puri ng Rappler.
“For one, pwede siyang magdemanda ng criminal action against for defaming him. And kailangan multi-million damage suit civil case pwede lahat yan,” ani Panelo.
Paninira ng Rappler kay Pastor Apollo C. Quiboloy, dala ng inggit sa SMNI –law expert
Para naman kay Atty. Topacio, inggit ang dahilan kung bakit panay ang paninira ng Rappler kay Pastor Apollo.
‘Yung ginagawa pong iyon ng Rappler ay walang iba, walang ibig patunayan kundi may malisya po. For one reason or another, either merong axe to grind sila personally against Pastor Quiboloy. Or nagseselos sila sapagkat ang SMNI ay napakataas ngayon ng rating kumpara sa kanila when it comes to the trust of people of the audience of the Filipinos ay pinapasama po nila si Pastor Quiboloy na hindi po dapat ginagawa ng isang news agency na interested lamang sa katotohanan,’ pahayag ni Topacio.
Hindi lamang kay Pastor Apollo kundi maging sa administrasyong Duterte ay kritikal ang Rappler sa kanilang pagbabalita.
At ngayong panahon ng kampanya, kritikal din sila sa frontrunner na si Bongbong Marcos.
‘So sinisiraan nila hoping na mag-surge si VP Leni pero hindi eh. Talagang alam mo umiikot ako sa buong Pilipinas, talagang puro BBM Sara ang maririnig mo sa kanila,’ ani Panelo.
Binigyang diin naman ng dalawang eksperto na dapat ituon ng Rappler ang kanilang panahon sa pagdi-depensa sa kanilang CEO na si Maria Ressa na convicted o nahatulang guilty sa cyber libel case.
Bagay na dapat daw na malaman ng taumbayan.
‘Eh ang masasabi ko sa ating mga kababayan natin eh unang-una pag nanggagaling ho sa Rappler huwag kaagad kayong maniniwala. Kasi 90% mali yan, pag nagbalita yan 10% lang ang tama diyan,’ani Panelo.