NAG-ugat sa “personal” nila na usapan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bago pa man siya tumakbo bilang vice presidential candidate nito noong 2022 elections.
Isa ito sa factors ayon kay Vice President Sara Duterte kung bakit siya bumitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Subalit maliban pa doon ay binigyang-diin ni VP Sara na may factors din mula sa trabaho at sa bayan.
Ibig sabihin aniya, napakahabang kuwento kung ilalatag niya ang mga rason.
Nang maghain ng resignation si VP Sara noong Hunyo 19 ay hindi ito nagbigay ng kahit anong rason.
Tanging sinabi lang nito na tinitingnan niya kung anuman ang ikabubuti ng bansa.