Rating ng BBM-Sara sa survey, posible pang tumaas – Atty. Briones

Rating ng BBM-Sara sa survey, posible pang tumaas – Atty. Briones

POSIBLE pang tumaas ang rating nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential candidate Mayor ‘Inday’ Sara Duterte sa huling survey.

Ito ang inihayag ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) General Counsel Atty. George Briones sa panayam ng SMNI News matapos i-endorso ng PDP-Laban si BBM.

“Ini-expect po natin iyan sa susunod po na survey, ang huling survey po ay March. Siguro iyong 2nd week of March, tataas po iyan sapagkat ang PDP-Laban po ang administration party. At tsaka, iyan po ang partido ni President Rodrigo Roa Duterte,” ayon kay Atty. Briones.

Saad pa ni Briones, ang pag-endorso ng PDP-Laban kay BBM ay isang red letter day para sa PFP.

Aniya, makatutulong ang 85% na popularity rating ni Pangulong Duterte na lubos na makatutulong kay BBM at Sara.

Dagdag pa ni Briones, maraming kandidato ang naghahangad na i-endorso ng PDP-Laban.

Sa ngayon, hinihintay ng PFP ang personal na i-endorso ni Pangulong Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter