Ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership, natalakay nina PBBM at Pres. Widodo

Ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership, natalakay nina PBBM at Pres. Widodo

IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. (PBBM) ang ilang detalye patungkol sa natalakay na paksa hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), kasabay ng ginawang state visit nito sa Indonesia.

Napag-usapan nina Pangulong Marcos at Indonesian President Joko Widodo ang ratipikasyon o pag-apruba ng Senado sa RCEP.

Sa state visit ni Pangulong Marcos sa Indonesia, sinabi nito na magiging isa sa prayoridad ng Senado ang ratipikasyon ng  RCEP.

Ito ay kapag naaprubahan na ng Kongreso ang panukalang P5.268-trillion national budget para 2023.

“So we covered pati RCEP napag-usapan namin yung pag ra-ratify ng Pilipinas sa RCEP which is going to be very high up in the order of Senate after the budget is passed,” pahayag ni PBBM.

Na kapag ratify na ang Indonesian parliament sa RCEP.

Habang ang Pilipinas at Myanmar na lamang ang hindi pa nakapirma rito dahil hindi pa nararatipikahan ng Senado ang trade deal.

Mababatid na ang mga kasunduan o international agreements na pinasok ng gobyerno ay nangangailangan muna ng pagsang-ayon ng Senado.

Ang RCEP ay isang kasunduang pangkalakalan na kinabibilangan ng 10 member association ng Southeast Asian Nations kasama rito ang China,  South Korea, Japan, New Zealand, at Australia.

Una nang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang RCEP ay makalilikha ng 10.47% na pagtaas sa Philippine exports  at 2.02% na pagtaas sa real Gross Domestic Product (GDP).

Matatandaang, nagpahayag noon si Pangulong Marcos na dapat na muling suriin ang ratipikasyon ng partisipasyon ng bansa sa RCEP.

Ito ay upang matiyak na hindi nito babawasan ang competitiveness ng mga lokal na magsasaka at sektor ng agrikultura.

Samantala, lubos ang pasasalamat ni Pangulong Marcos para sa isang makabuluhang pagbisita nito sa bansang Indonesia.

Panatag ang Pangulo na ang mga napagkasunduan kasama si President Joko Widodo ay maisasakatuparan at magiging susi sa mas mayabong na relasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Follow SMNI News on Twitter