RCEP, ‘beneficial’ para sa economic development –PBBM

RCEP, ‘beneficial’ para sa economic development –PBBM

MABUTI para sa Pilipinas ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. dahil sa maidudulot aniya nitong pagtaas ng kalakalan sa iba’t ibang member economies.

Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag habang dumepensa ito mula sa mga kritisismo na ang Free Trade Agreement (FTA) ay makakasama umano sa mga lokal na industriya ng bansa.

Ang RCEP ay isang FTA sa pagitan ng 10 miyembrong estado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ng 5 FTA partners nito na Australia, China, Japan, New Zealand at Republic of Korea.

Follow SMNI NEWS in Twitter