Re-alignment ng pondo, gagawin para may budget ang mahahalagang gov’t programs sa 2023

Re-alignment ng pondo, gagawin para may budget ang mahahalagang gov’t programs sa 2023

BINABALAK ngayon ng liderato ng Kamara na mag-realignment ng pondo para hindi maputol ang funding ng mga mahahalagang programa ng pamahalaan sa 2023.

Sa isang panayam sa Kamara ngayong araw, sinabi ni House Majority Leader at Zamboanga Rep. Mannix Dalipe na ito ang game plan nila para hindi maapektuhan ang priority programs ng administrasyon sa ilalim ng 2023 proposed national budget.

Kabilang sa mga hindi napondohan sa susunod na taon ay ang Special Education Program pati na ang dagdag P500 sa monthly pension ng mga senior citizen at Libreng Sakay program.

“Definitely, there will be changes on that, hindi naman masi-zero. We will propose that. The instruction of Speaker Ferdinand Martin Romualdez is to see to it that when we forward it or and we transmit it to the Senate, maayos na lahat,” ani Dalipe.

Kaugnay niyan sinabi ni Dalipe na bumuo na sila ng small committee para tanggapin ang lahat ng concerns sa General Appropriations Bill.

Inaasahan naman na magko-convene ang bicam para sa pambansang pondo ngayong Nobyembre.

Follow SMNI NEWS in Instagram

 Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter