Re-election ni Sen. Gordon, apektado matapos idawit si PRRD sa Pharmally issue- Citizens Crime Watch

Re-election ni Sen. Gordon, apektado matapos idawit si PRRD sa Pharmally issue- Citizens Crime Watch

APEKTADO ang re-election ni Senador Richard Gordon matapos idawit si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pharmally issue.

Hinamon ng Citizens Crime Watch si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na personal sampahan ng reklamo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ng grupo ang hamon matapos maglabas ng report ang komite ni Gordon kung saan kasama sa pinakakasuhan si PRRD sa isyu ng umano’y maanomalyang kontrata ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio ng Citizens Crime Watch, bakit raw nagtatago si Gordon sa saya ng kanyang komite kung talagang may ebidensya ito laban sa Pangulo?

“Eh kung kumpiyansa ka Dick Gordon sa iyong pinagsasasabi diyan sa iyong report eh bakit hindi ikaw ang magdemanda ha? Put your money where your mouth is. Sapagkat ikaw naman a abogado. Bakit hindi ikaw?”ayon kay Topacio.

Diin pa ni Topacio na wala namang nakasuhan ang Blue Ribbon sa mga nagdaang administrasyon.

Kahit pa yung malalaking isyu na siniyasat sa komite tulad na lamang ng Fertilizer Fund Scam, ang Dengvaxia Issue at iba pa.

Pero dahil malapit na ang eleksyon, duda ni Topacio.

“Kaya wala pong silbi talaga yang report na yan. ‘Yan ay in aid of re-election at pinatatagal pa po nila para magamit nila dito sa darating na eleksyon,”saad nito.

Samantala, tiwala naman si Gordon na hindi maaapektuhan ang kanyang planong re-election sa pag-imbestiga niya sa Pharmally issue.

Naniniwala ito na marami na ang hindi naniniwala kay Pangulong Duterte.

Saad pa ni Gordon, wala nang suporta sa ground si PRRD.

Itinanggi rin nito na ginagamit niya ang isyu para sa pagtakbo niya muli bilang senador.

“It will not affect the chances of my re-election. Principally, because I think a lot of people do not believe the President anymore. He has lost ground,”ayon kay Gordon.

Ngunit ayon kay Topacio, maling-mali ang pananaw ni Gordon dahil sira na ang imahe nito sa taumbayan.

Hindi rin aniya nawawala ang suporta ng taumbayan kay Pangulong Duterte- patunay dito ang mataas na trust at approval rating nito.

“Diyan nagkakamali si Senator Gordon at ipinapakita niyang siya ay hindi in touch with reality. Napakataas po ng approval rating ng ating Pangulo kontra sa kanya na number 14, number 15 sa mga survey,”dagdag ni Topacio.


SMNI NEWS