Re-examination sa mga ebidensiya laban sa OFW na si Mary Jane Veloso, mainam—Atty. Roque

Re-examination sa mga ebidensiya laban sa OFW na si Mary Jane Veloso, mainam—Atty. Roque

MAGANDANG magkaroon ng re-examination sa mga nakalap na ebidensiya laban sa overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso na ngayon ay nakakulong sa bansang Indonesia.

Ayon ito kay dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News matapos hilingin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kay Indonesian President Joko Widodo ang muling pagsusuri sa kaso ng Pinay OFW.

Matatandaan na taong 2010 nang maaresto si Veloso sa Indonesia matapos makitaan ng 2.6 kilo ng heroin sa kaniyang bagahe.

Hinatulan ng parusang bitay si Veloso na itinakda sana noong April 2015 pero hindi natuloy matapos maaresto ang mga recruiter nito sa Pilipinas.

Noong Setyembre 2022 nang naghain ng apela ang Department of Foreign Affairs sa Indonesia para mapawalang-sala si Veloso.

Samantala, naniniwala si Roque na mapagbigyan ang kaso ni Veloso at mapauwi na ito lalo na at matagal na rin ang magandang ugnayan ng Indonesia at Pilipinas.

Sa katunayan aniya ay napagbigyan na ang Pilipinas hinggil dito dahil hanggang ngayon ay hindi pa ipinapatupad ang death penalty para sa OFW.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter