Realignment ng P275-B para sa COVID-19, nakatakdang aprubahan ng Kongreso

PAHIHINTULUTAN ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte na i-realign ang humigit kumulang 275 bilyong piso mula sa pambansang pondo para sa mga programa ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ayon kay Salceda, nasa 144 bilyon piso dito ay ilalaan para sa 17.9 milyong pamilyang Pilipino na tatanggap ng tig-P8,000 financial assistance.

Hindi naman sakop aniya rito ang mga mayayamang pamilya, gayundin ang mga may trabaho na hindi naman apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.

Magdadaos ngayong araw ng isang special session ang Kongreso para maipasa ang panukalang magpapahintulot kay Pangulong Duterte sa pag-realign ng pondo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.