Rebeldeng nasawi sa engkuwentro, binigyan ng desenteng libing ng militar sa Samar

NABIGYAN ng desenteng libing ang isang nasawi na rebeldeng New People’s Army (NPA) mula sa lokal na opisyal at ng militar sa Pambujan sa Northern Samar matapos inabandona ng mga kasamahan nito ang kanyang bangkay.

Ayon kay 2nd Lt. Roxane Valenciano, civic militar operations officer ng Philippine Army’s 43rd Infantry Battalion, inihimlay ang hindi nakilalang rebelde sa Pambujan Public Cemetery matapos ang tatlong araw na lamay sa isang auditorium ng nasabing bayan.

“Nobody claimed his body and no one recognized him during the three days of his wake at the auditorium,” ayon pa kay Valenciano.

Nasawi ang rebelde noong Pebrero 15 sa isang engkuwentro ng mga sundalo sa liblib na lugar ng Cagbigaho sa Pambujan.

Isa ang nasabing rebelde sa tatlong NPA na nakipagbakbakan sa mga nagpapatrolyang tropa ng militar kung saan isang sundalo rin ang nasugatan sa nasabing engkuwentro.

Nakuha mula sa lugar ang isang bandolier at isang notebook matapos ang nangyaring bakbakan.

SMNI NEWS