POSIBLENG ihinto o bawasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang reclamation projects sa Manila Bay.
Ayon kay DENR Sec. Maria Antonia Yulo- Loyzaga, ito’y para bigyang-daan ang cumulative impact assessment ng ahensiya sa reclamation activities dito.
Matatandaang sa ilalim ng Executive Order No. 74 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, lahat ng proposal ng reclamation projects ay idadaan sa evaluation ng Philippine Reclamation Authority.
Nakasaad sa EO na mainam na ibatay ang reklamasyon sa cumulative impacts at hindi sa specific project basis.
Sa Manila Bay, inamin ni Loyzaga na hindi ito nagawa.
Tiniyak ni Loyzaga na kung anuman ang magiging resulta ng pag-aaral ay ipatutupad nila ito sa reclamation projects sa Manila Bay.