Reconsecration ceremony isinagawa sa KOJC compound

Reconsecration ceremony isinagawa sa KOJC compound

ISANG reconsecration ceremony ang isinagawa ng KOJC missionary workers at members sa kabuuan ng compound, ito ay matapos madungisan, masalaula at sirain ang sagradong lugar ng mga tauhan ng PNP na kung saan-saan lang lumura, umihi, at nanigarilyo.

Sagrado kung ituring ng mga taga-KOJC ang compound kung kaya’t ito ay pinananatili na malinis at maayos ng lahat ng mga misyonaryong nakatira dito dahil ito ay itinuro ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Layon din reconsecration ceremony na pawiin ang lahat ng bakas ng poot, pait at sakit na naranasan ng mga missionary sa marahas na 16-day KOJC siege.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble