Reconstructed Tabang Bridge, binuksan na ng DPWH-Bulacan

Reconstructed Tabang Bridge, binuksan na ng DPWH-Bulacan

OPISYAL at pormal nang binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan ang reconstructed Tabang Bridge.

 

Pinangunahan ni DPWH-Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara kasama ang iba pang lokal na opisyal ang pormal na pagbubukas ng tulay.

 

Ang Tabang Bridge ng Guiguinto Bulacan ay nagdurugtong sa sa North Luzon Expressway at Manila North Road at Cagayan Valley Road na nagkakahalaga ng P30 milyong piso.

 

Ayon  kay Alcantara, dahil aniya sa mga pag-ulan at Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng pandemya ay na antala ang pagkumpuni ng apat na dekada ng tulay.

 

“Eto po bubuksan na natin itong Tabang Bridge. Sa abalang nagawa, ako na po ang humihingi ng paumanhin. Isang malapad at bagong tulay para sa mga Bulakenyo,” ani Alcantara.

 

Samantala, malaking ginhawa aniya ito sa mga motorista, kung saan hindi na kinakailangan pang sumulong sa matinding  trapiko.

 

 

SMNI NEWS