Recruitment age sa AFP, pinag-aaralang itaas

Recruitment age sa AFP, pinag-aaralang itaas

NAKIKIPAG-ugnayan na ang Department of National Defense (DND) sa Deputy Chief of Staff for Personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa planong pagtataas ng edad sa mga nais pumasok sa pagsusundalo.

Sa isang pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, sinabi nitong dapat samantalahin ng bansa ang mga Pilipino na pumasok sa AFP.

Sa kasalukuyan kasi hanggang 26 years old ang pinahihintulutan na dumaan sa proseso ng recruitment at kung maitataas pa ito ay maaaring makakuha ang AFP ng mas maraming potensiyal na sundalo o reserve force ng bansa.

“We already talked with our Deputy Chief of Staff for Personnel to bring up the recruitment age for enlisted personnel and officers because a lot of the young right now, they want to take a gap year, they don’t want to work immediately. So, to have a maximum commissioning age of 26 or enlisted age of 26 may not be practicable and we may be shutting out a lot of talented and qualified individuals from serving with us. Recently, the new reserve force structures have gone to my desk,” saad ni Defense Secretary Gilberto Teodoro.

Ayon kay Teodoro, naniniwala siyang malaki ang maiaambag ng mga kabataan sa Sandatahang Lakas bitbit ang kanilang mga galing at talento na magagamit sa kanilang pagsisilbi sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble]