Recruitment ng seasonal workers para sa South Korea, ipinahinto muna ng DMW sa 7 LGUs

Recruitment ng seasonal workers para sa South Korea, ipinahinto muna ng DMW sa 7 LGUs

IPINAHINTO muna ng Department of Migrant Workers (DMW) ang recruitment nila sa pitong local government units (LGUs) para sa seasonal workers na magtatrabaho sa South Korea.

Ito’y dahil sa mga ulat ng illegal recruitment sa nabanggit na bansa.

Mayroon umanong isang Korean company na lumapit sa LGU sa Paete, Laguna at nag-aalok ng trabaho sa ilalim ng seasonal worker program (SWP).

Ngunit sa pagsusuri ay wala ang naturang kompanya sa listahan ng licensed recruitment agencies ng DMW.

Matatandaan na simula taong 2022, naging kabahagi ang Pilipinas sa SWP ng Seoul kung saan kumukuha sila ng foreign workers para tugunan ang labor shortage nila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter