Recyclable materials, ibinida sa 19th Las Piñas Parol Festival

Recyclable materials, ibinida sa 19th Las Piñas Parol Festival

Bilang suporta sa industriya ng parol making ay idinaos kamakailan ang 19th Parol Festival ng Las Piñas City.

Isa itong kakaibang parol making contest kung saan ang mga parol ay gawa mula sa recyclable materials.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, naging bahagi ng buhay ng mga Las Piñeros ang makukulay na kaganapang ito bilang pagdiriwang sa darating na kapaskuhan.

‘’Masaya naman kasi nagkakaron sila ng opportunity to showcase their talent. We have been doing this for a long time,’’ ayon kay Sen. Cynthia Villar Managing Director, Villar SIPAG FOUNDATION.

Binigyang diin din ni Villar na ang patuloy na passion ng Las Piñeros na makagawa ng kakaiba at environment friendly “Parol” kaya nangingibabaw ang Las Piñas pagdating sa parol making sa Metro Manila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter