TINIYAK ng Philippine Red Cross (PRC) na patuloy silang nagsusumikap upang matiyak na may agarang mapagkukunan ng dugo at tulong.
Ito ay sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa.
Ayon sa PRC, sinisiguro nilang laging available sa mga dengue patient ang kinakailangan nilang dugo para gumaling.
Sapat din ang blood supplies sa iba’t ibang branches ng ahensiya sa buong bansa at handa rin silang mag-deliver kung kinakailangan.
Samantala, ayon sa Department of Health (DOH), ang kaso ng dengue sa buong bansa sa ngayon ay mas mataas ng 33 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taong 2023.