Red tide warning sa 3 baybayin sa Negros Oriental, inalis na ng BFAR

Red tide warning sa 3 baybayin sa Negros Oriental, inalis na ng BFAR

INALIS na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide warning sa tatlong baybayin sa Negros Oriental.

Sa advisory ng ahensiya nitong Nobyembre 19, 2024, ligtas nang kainin ang shellfish at alamang mula sa Bais Bay, Bais City maging sa Siit Bay at Tambobo Bay sa Siaton.

Nobyembre 4 at 11 nang mangolekta ng samples mula sa tatlong baybayin ang BFAR.

Sa pagsalang nito sa laboratory analysis, pasok na ang samples sa regulatory limit para sa paralyctic shellfish poison (PSP) dahilan para alisin na ang red tide warning sa mga ito.

Matatandaan na noong Setyembre nang ilabas ng BFAR ang kanilang red tide warning sa tatlong nabanggit na baybayin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble