Refresher course, isasagawa ng PNP kasunod ng mga insidenteng kinasangkutan ng mga pulis

Refresher course, isasagawa ng PNP kasunod ng mga insidenteng kinasangkutan ng mga pulis

TARGET ng Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng refresher course sa mga pulis.

Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Redrico Maranan kasunod ng mga insidente na kinasangkutan ng mga pulis.

Ayon kay Maranan, nais mabigyang-diin ng PNP sa mga ground commander ang pagsunod sa police operational procedures.

Sinabi ni Maranan na walang dapat na ikaalarma dahil nasa restrictive custody na ang mga pulis na sangkot sa pagkakapatay sa isang binata sa Navotas, at ang kwestiyunableng drug operations sa Cavite.

Habang kinasuhan na ng murder ang pulis na namaril sa loob ng Taguig City Police Station.

Ipinag-utos din ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga pulis na mapatutunayang nagkamali.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble