Refrigeration units para sa COVID-19 vaccines sa Lungsod ng Maynila, kumpleto na

KUMPLETO na ang labing dalawang refrigeration units ng lokal na pamahalaan ng Maynila  para sa imbakan ng mga bakuna kontra COVID -19

Ito’y matapos dumating na kahapon ang tatlong biomedical freezers para Pfizer COVID-19 vaccines.

Dahil dito magsisimula na ang operasyon  ng COVID-19 vaccine storage facility na pag- aari ng Manila City government sa Sta.Ana, Manila  ngayong  Pebrero 14 o sa darating na linggo kung saan nakalagay ang mga naturang refrigeration unit.

Ang mga refrigeration unit para sa COVID-19 vaccines ng Manila LGU  ay kayang maka- accommodate ng 5,200 vials para sa 2 units  ng  -10 to -25 freezer.

Nasa 17,2000 vials bawat isa naman para sa 2  units  ng  -10 to -30 freezer  habang 35,000 vials bawat isa para naman sa 3 units of -70 freezer at ang 5 units ng 2-8 degrees freezer ay kayang maka – accommodate ng 8,200 vials.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso nakahanda nang tumanggap ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines ang pamahalaan ng lungsod.

Tiniyak din na ang Sta. Ana Hospital na ang mga naturang pasilidad ay ligtas kung saan may 11 CCTV cameras ang ospital na gumagana 24/7  at may anim din itong data loggers ibig sabihin ito ang nagmo-monitor ng temperatura sa bawat refrigerator.

SMNI NEWS