KASADO na ang planong regional consultations para sa isinusulong na kontrobersiyal na Charter change.
Sinimulan ito ngayong araw ng Biyernes, Mayo 17 sa Baguio City para sa Luzon leg.
Susundan naman ito ng back-to-back consultations sa Cebu City at Cagayan de Oro para sa Visayas at Mindanao leg na nakatakdang gawin sa susunod na linggo, mula Mayo 23-24.
Ang Senate subcommittee na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara ang naatasang pag-aralan ang proposed Resolution of Both Houses Number Six (R-B-H-6) na layuning amyendahan ang ilang probisyon ng 1987 Constitution, kabilang na ang may kaugnayan sa foreign investments, public utilities, at higher education.
Inaasahang dadalo sa nasabing consultation sa Baguio City sina Senator Migz Zubiri, Senator Loren Legarda, Senator Bong Go, at Senator Ronald Bato dela Rosa.