Regional OCD, patuloy na pinaghahanda sa aktibidad ng Bulkang Mayon at Taal

Regional OCD, patuloy na pinaghahanda sa aktibidad ng Bulkang Mayon at Taal

PATULOY ang koordinasyon ng Office of Civil Defense (OCD) sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Department of Health (DOH) sa mga aktibidad ng Bulkang Mayon at Taal Volcano.

Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator for Operations at NDRRMC spokesperson Raffy Alejandro IV, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon ng dalawang bulkan dahil sa posibleng banta nito sa kaligtasan ng publiko.

Inihayag din ni Civil Defense Administrator at National DRRMC Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno na nagbigay na sila ng memorandum sa OCD Bicol Region at CALABARZON para itaas ang kanilang monitoring at close coordination sa mga local Disaster Risk Reduction and Management Councils at iba pang support agencies upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad.

“We are coordinating with PHIVOLCS on the volcanic activities of Mayon and Taal as well as with the Department of Environment and Natural Resources, Department of Health, and our counterparts in Bicol Region and Calabarzon for interventions that need to be implemented,” pahayag ni Usec Ariel Nepomuceno, Civil Defense Administrator, National DRRMC Executive Director.

 Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kaya nananawagan ang OCD sa mga residente na malapit sa bulkan na sumunod sa kautusan at mga babala na ibinibigay ng mga awtoridad.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-km radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Dahil sa panganib na dulot ng pyroclastic density currents, pag-apaw ng lava, pagkahulog ng mga bato at iba pang volcanic hazards ng Mayon Volcano.

“Mayon Volcano is now at Alert level 3. We call on the communities in the area to always follow the warnings and orders of authorities such as the evacuation inside the 6-km radius Permanent Danger Zone or PDZ. This is due to the danger of pyroclastic density currents, lava flows, rockfalls and other volcanic hazards in Mayon Volcano,” wika ni Usec Ariel Nepomuceno, Civil Defense Administrator, National DRRMC Executive Director.

Dagdag pa dito inabisuhan na ang mga piloto na iwasang magpalipad ng eroplano na malapit sa summit ng bulkan dahil sa panganib na dulot ng abo na ibinubuga nito

Pinaghahanda rin ang kagamitan ng Regional OCD na maaaring magamit na preemptive evacuations at iba pang kinakailangan hakbang upang mapanatiling ligtas ang publiko sa panganib na dala ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon at Taal Volcano.

Follow SMNI NEWS in Twitter