Register Anywhere Project ng COMELEC, inilunsad sa Kamara

Register Anywhere Project ng COMELEC, inilunsad sa Kamara

INILUNSAD sa Batasan Complex ang Register Anywhere Project (RAP) ng Commission on Elections (COMELEC) para sa paparating na Barangay and SK Elections (BSKE) ngayong Oktubre.

Isang memorandum of understanding (MUO) ang nilagdaan ngayong Martes sa pagitan ng COMELEC at ng House of Representatives.

 “The Registration Anywhere Program is open to all the employees, to all the members of the House of Representatives, your employees for them to register, transfer their registration, change their anything in the data that we have. Pwede po nilang gawin yun,” pahayag ni Chairman George Garcia, COMELEC.

Bukod sa mga empleyado, pwede rin sa programa ang lahat ng attached government agencies sa loob ng Batasan Complex.

“Landbank of the Philippines, The House of Representatives Electoral Tribunal, and other offices even the post office they can avail the registration anywhere here at the House of Representatives,” dagdag ni Garcia.

Saad ni Garcia, matagal na nilang ginagawa ang RAP sa ibang bansa.

Kaya kumpiyansa sila sa magiging resulta ng kanilang pilot implementation nito dito sa Pilipinas.

Bukod dito, nais din ng COMELEC na gawin ang Voting Anywhere Program para hindi na magsiksikan sa mga paaralan ang mga boboto.

“Naisip na rin po ng komisyon na kung kaya nating magpa-register, bakit hindi rin tayo mag-pilot test ngayong Barangay and SK Election ng mall voting? Mas kombinyente sa mga kababayan natin, mas alam natin na mas pupunta sila sa mga mall at boboto sila. Hindi pa natin gagamitin ang mga eskwelahan,” aniya pa.

“We thank the COMELEC for choosing the House of Representatives, the House of the People as a venue for the Register Anywhere Project,” ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez.

Itinuturing din ni Romualdez ang 2022 elections ang pinakamatagumpay na eleksyon sa buong mundo.

Ang eleksyon kung saan nanalo ang UniTeam nina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Hindi si Garcia ang chairman ng COMELEC noong huling eleksyon sa bansa.

At nagsilbi lamang siya noon bilang isa mga commissioner bago italaga ng Marcos administration bilang COMELEC chairman. Register Anywhere Project

Nauna nang sinabi ng poll body na mahigit 20,000 hacking incidents ang kanilang naitala noong eleksyon.

At target daw ng mga hacker na kunin ang kontrol ng COMELEC website.

 “And would like to say perhaps the best election in the world, because even in the countries like the United States, they had problems. But he spearheaded it under the stewardship and his very-very close partner si Commissioner Rey Bulay, another good friend of ours also who made sure that our last election was one of the smoothest, and most efficient, despite all the criticisms and all the challenges that were hurled at it,” ani Romualdez.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter